Mataman kong pinagmamasdan ang isang puno ng DATES sa bakuran ng tahanan ng aking kaibigan habang hawak ko ang sigarilyo ng marlboro. Isang ibon ang dumapo sa gitnang bahagi ng ituktuk nito. naglagi ang ibon duon ng mahigit limang minuto pagkuwa'y lumipad palayo. napansin ko ang hinog na bunga ng date. Mistulang Niyog ang imahe nito pero parang ubas ang bunga, nalito ba kyo basta ung ang gusto kong diskripsyon wag na epal ok! Matayog siyang nakatayo sa ilalim ng nagngangalit na kumpas ng liwanag at init ng haring araw.
Sabi nila ang puno lng daw na ito ang tanging puno na namumunga ang nabubuhay sa mga bansa sa Gitnang Silangang Asya.
Unti unti...nabubuhay sa isang bahagi ng aking isip ang paghanga sa punong ito. Ngunit napansin ko rin.... nasa labas pala ako ng bahay...kainis bakit kasi bawal mag sigarilyo sa loob eh..(pwede ba paki aircon na rin ang garden)....makapasok na nga sa loob ng bahay pawisan na ko eh!!!
Moral Lesson : D nako tatambay sa ibang bahay lalo na kung "No Smoking Inside".
__________________
*"Don't worry about the world coming to an end today. It's already tomorrow in Australia"