Members Login
Username 
 
Password 
    Remember Me  
Post Info TOPIC: mga payong hindi makakalimutan nyahahaha!!!


Senior Member

Status: Offline
Posts: 102
Date: Aug 12, 2006
mga payong hindi makakalimutan nyahahaha!!!


 
Mga ginintuan aral na napulot ng isang kaibigan sa kanyang mga magulang. Kaya heto share
nia satin wehehehehehe!!!!
 

1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE.
"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo,
kalilinis ko lang ng bahay."

2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"

3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

4. At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC.
"Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa ang manonood ng
sine."

5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sahibin ng IRONY.
"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"

6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM.
"Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo!!!"

7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA.
"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo natatapos yang lahat ng pagkain mo!"


8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER.
"Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang
dinaanan ng bagyo!"

9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE :
"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang
alisin sa mundong ito."

10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION.
"Tumigil ka nga diyan! Huwag kang mag-inarte na parang Nanay mo!"

11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS.
"Nagmana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!"

12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng
ENVY.
"Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at
mayroon kayong magulang na tulad namin?"

13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
"Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"

14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng
RECEIVING.
"Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"

15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR.
"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na
wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!"

16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung
ano ang JUSTICE.
"Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak magiging
katulad mo at magiging pasakit din sa ulo!"

__________________
*"Don't worry about the world coming to an end today. It's already tomorrow in Australia"
Page 1 of 1  sorted by
 
Quick Reply

Please log in to post quick replies.

Tweet this page Post to Digg Post to Del.icio.us


Create your own FREE Forum
Report Abuse
Powered by ActiveBoard