Members Login
Username 
 
Password 
    Remember Me  
Post Info TOPIC: paghihigante


Veteran Member

Status: Offline
Posts: 68
Date: May 16, 2006
paghihigante


Isang gabi, naglalakad ang isang lalaki sa may tulay
nang may makita siyang babaeng nasa taas ng gilid nito
at magtatangkang magpatiwakal. "Huwag," sigaw ng
lalaki. At sa kabutihang palad ay nakumbinsi ang babae
at siya'y bumaba.

Lalaki: Ano bang problema mo't naiisipan mong gawin
yan?
Babae: Kasi, iniwan ako ng boypren ko't sumama sa
ibang babae.
Lalaki: Miss, ganyan din ang problema ko pero di ko
inisip na magpakamatay.
Babae: So, anong gagawin natin? Nag-isip sandali ang
lalaki at sinabi...
Lalaki: Kung gusto mo, maghiganti tayo sa kanila.
Babae: Paanong paghihiganti?
Lalaki: Alam mo na ang ibig kong sabihin...(sabay
kindat sa babae na nakuha naman ni babae ang parinig
na yon)

Maya maya'y nasa isang kuwarto na sila ng motel at
nangyari na nga ang 'di dapat mangyari....Nang
makaraos si lalaki, nagsindi siya ng yosi. Nang halos
filter na lang ay biglang nagsabi si babae:
Babae: Maghiganti uli tayo.

Medyo pagod, pero pinagbigyan uli niya ang request ni
babae. Nang makaraos uli, nagsindi uli si lalaki ng
yosi. Nasa kalahati pa lang ang yosi nang:
Babae: Maghiganti uli tayo.

Medyo nangangatog na ang mga tuhod pero dahil sa
hiling, muling pinagbigyan niya si babae.
Muling nakaraos ang dalawa. Nagsindi uli si lalaki ng
yosi. Unang hitit pa lang niya ay:
Babae: Ganti uli tayo.

Talagang lupaypay na si manoy niya pero para huwag
mapahiya ay muling pinagbigyan niya ang kahilingan ng
babae. Pagkatapos kumuha siya ng yosi. Sisindihan
palang nang biglang:
Babae: Ganti uli tayo.
Lalaki: (Pagod na) Tangina mo, patawarin na natin
sila!!!!

hehehehehe...

__________________
SEX IS EVIL, EVIL IS SIN, SINS ARE FORGIVEN, SO SEX IS IN!
Page 1 of 1  sorted by
 
Quick Reply

Please log in to post quick replies.

Tweet this page Post to Digg Post to Del.icio.us


Create your own FREE Forum
Report Abuse
Powered by ActiveBoard