love and war Tinanong ako minsan, "is all fair in love and war?" Matagal bago ako nakasagot. Ang totoo nyan, hindi ako nakasagot. Sa unang pagkakataon, natigilan ako sa isang tanong na sa una ay mukhang simple lamang pero napakahirap palang sagutin.
Marami akong kaibigan na nakita kong nabigo, nasakatan, naloka, sumaya, kinilig, at mistulang tumigil sandali ang kanilang mundo nang sila ay...UMIBIG. Oh yes, the powers of LOVE that no words would be tantamount to its correct and exact explantion. Yung iba, halos gawing bato ang puso dahil ayaw ng magmahal. Yung iba naman, parang bato na talaga ang puso at ayos lang sa kanila na magpapalit-palit ng iniirog katulad nalang ng kung gaano sila kadalas mag palit ng damit. Nandyang merong naloko ng kanilang minimahal. Nandyang niloko nya ang kanyang minamahal. Meron namang bigla nalang nang iiwan ng kanilang sinisinta. Sa kahit anong anggulo natin tignan, sa aspetong ito, hindi ata talaga patas. Its not fair that everything will start out great and happy, ending up in a total disaster after you have given practically everything, leaving nothing left for you. Then again, marami paring mga taong nagmamahal ulit pagkatapos masaktan at pag sakluban ng langit at lupa. Tsk tsk tsk tsk. Ang tao nga naman, na tanga na, magpapakatanga pa ulit. Bakit nga ba?
Katulad nga ng madalas kong sabihin sa sarili ko at sa mga taong nakapaligid sakin, "choice". We make a choice every minute of our life. Mula pag mulat ng mata mo sa umaga at pag tanggal ng mga muta mo, hanggang pagpalit ng pajama para matulog sa gabi. So, kung choice mong magmahal, it is also your choice to accept everything else that comes with it. Just like accepting the person for who he/she is. Kahit pa saan sya nanggaling, kung anong estado nya sa buhay at kung bakit kyo nagmahalan at kung masasaktan ka ba ulit.
The same person asked me the same question again. "Now, is all fair in love and war?" I simply answered, without any doubt. "YES"
__________________
SEX IS EVIL, EVIL IS SIN, SINS ARE FORGIVEN, SO SEX IS IN!