na lagi akong natatapilok kahit nakaflat akong tsinelas? di naman ako flat-footed... di rin naman ako lampa... basta lagi lang akong natatapilok... feeling ko tuloy baka ang arte ko kasi lumakad...
na palagi akong naghihikab at pakiramdam ko lagi akong inaantok pero ako ay isang insomniac? pag nakatulog naman ako, i can sleep ng dire-diretsong 16 hrs...
na adik ako sa swimming pool, dagat or any place na may tubig (wag lang kanal ha?).. wa ako paki kahit magmukha akong ulikba sa pagbababad sa tubig basta masarap pakiramdam ko... at gustong gusto kong nagpapa-ambon at nagpapaulan...
na di ko kayang pumatay ng daga... nalulunod na nga, hinuli ko pa para pakawalan...
na nangisda ako para ibalik lang ulit sa dagat... literal yan... nasunburn ako sa kakahuli ng isda... tapos binalik ko lang ulit sa dagat...
na muntik nang maging jungle ang bahay namin nung bata pa ako dahil sa dami ng kinokolekta kong halaman at inaalagaang hayop... may rabbit, may hamster, may isda, may pusa, may ibon, may manok, may pato, at may aso... nag-alaga din pala ako ng gagamba at korean bug...
na pag tinamad ako, as in tamad... dehins ligpit ng higaan, dehins linis kwarto, dehins hugas pinggan, dehins pasok kahit may deadline, dehins labas ng kwarto maski kumain ayaw ko... tutulog lang ako or chachat... and this lasts for sometimes a day or two... LOL
na idol ko ang tatay ko kahit bihira kaming magkasama...
na very protective ako sa mga kapatid ko at kaibigan...
na sakitin ako nung bata ako... i got blind, i got bedridden... awa ng Diyos eto ako ngayon sobrang pasaway...
na sobrang talas ng pang amoy ko... and i hate anything that smells ewww... lalo na yung amoy ng kalburo, patay na daga, basurang bulok, baktol, at halitosis... shiet... forgive me pero for sure im gonna puke pag nakaamoy ako nyan... o kaya maluluha ako sa sobrang kakapigil ng hininga ko wag ko lang maamoy...
na sabihin mo na lahat ng kababuyan di ako mandidiri wag lang anything na galing sa bibig... naiimagine ko kasi tapos nasusuka ako agad...
na allergic ako sa alikabok, insecticides or anything na malakas ang amoy like floorwax, cleaners, shoe polishers, perfumes... allergic din ako sa sudden change of temperature... mainit tapos malamig... inom ako ng anti-histamine agad...
na ayoko ng naiistorbo kapag natutulog, pag may ginagawa or pinapanood or binabasa... pag naistorbo ako ang una ko agad reaction is... ano ba???!!! (pasigaw yan...)
na mas prefer kong makinig ng radio kesa manood ng tv
na kaya kong uminom isang bote ng tequila cuervo or 3-7 bottles ng beer ng hindi nalalasing... huwag lang rhum, gin, scotch or whisky... pero favorite ko black russian
na sobrang hyperactive ako... di ako napapakali ng walang ginagawa or nakatunganga lang... umiiyak ako or mainit ulo ko kapag ganon...
na i love activities na breath taking like hiking, racing, diving and so on... and anything connected sa nature...
na nakatikim na ako ng aso, pawikan, kabayo, kalabaw, rabbit, palaka, kambing, kalapati, pato... sana makatikim akong ostrich next time... sayang wala nang dinosaurs...
na may third eye ako... at wala pa akong hike na walang encounter... wala pang tinirhan na walang nakita or naramdaman... sa school, sa office... they're everywhere... don't worry i won't tell... but i sometimes scream... LOL
na i have a mole inside my mouth... a mole on my feet... a mole right exactly on my tear duct... three moles on my chest... each on both of my shoulders... and a large birthmark on my left arm...
na hindi ako nakakatulog ng walang kumot at sandayan/sandalan...
na hindi ako basta tatayo lang at mananahimik sa isang bagay na nakikita kong mali or dapat punahin...
na madali akong magsawa at mag give up sa mga bagay na hindi ko nakikitaan ng improvement or amusement...
na hindi ako nagsusuot ng paldang mahaba... lagi akong nakashort, pyjama, jeans, capri, or mini skirt...
kayo? tell us more about yourself... mga bagay na di malalaman ng iba kung di kayo makakasama ng matagal...
__________________
your joy is your sorrow unmasked... when you are joyous, look deep into your heart and you shall find it is only that which has given you sorrow that is giving you joy.