Members Login
Username 
 
Password 
    Remember Me  
Post Info TOPIC: Huwag Po Itay... Maawa Po Kayo...


Senior Member

Status: Offline
Posts: 104
Date: Aug 18, 2006
Huwag Po Itay... Maawa Po Kayo...


 


PLEASE  READ THE STORY FIRST



Sometimes you think you know the people that are close to you.. but beware.  Please excuse the graphic nature of how this story is told but I  believe it is necessary to highlight the important lesson within...


 


TITLE: Huwag Po Itay... Maawa po kayo...


Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin  ng aking itay isang gabi. Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan  noon  nguni't maalinsangan ang simoy ng hangin.


Ako ay nagsusuklay sa aking silid, katatapos ko  pa lamang maligo at nakatapis pa lamang noon .  Narinig kong kumakatok  si Itay sa aking pinto.  Nang sagutin ko ang pagkatok niya ay sinabi niya  na kailangan daw naming mag-usap at humiling na  papasukin siya.  Binuksan ko ang pinto at siya'y  kagyat na pumasok sa  aking silid.


Laking pagkagulat ko  nang ipinid niya at susian  ang pinto. Hinawakan  ni Itay ang aking mga kamay,   hinaplos-haplos niya  ang aking buhok, ang aking mukha, pinaraan niya ang kanyang mga daliri sa   aking kilay, sa aking  mga pisngi,sa aking mga labi. Napasigaw  ako.


"ITAY, huwag, huwag!  Ako'y inyong anak! Utang na  loob, Itay!" Nguni't parang walang narinig ang  aking Itay.  Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Ipinikit ko  na lamang ang aking mga mata dahil ayaw kong  makita ang mukha ng aking ama habang  ipinagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa sa akin.


Naririnig ko si Inay sumisigaw habang binabayo  ang pinto at nagpipilit na ito'y buksan, "Hayop  ka! hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa anak mo!   Huwag mong sirain ang kanyang kinabukasan".


Subalit wala ring  nagawa si Inay, hindi rin siya  pinakinggan ni Itay.  Nanatili na lamang akong walang katinag-tinag  at ipinaubaya ko na lamang  ang aking sarili sa anumang gustong gawin ng  aking  Itay.


Pagkalipas ng ilang  oras ay tumigil na rin ang aking  Itay.   Iniharap niya ako sa  salamin ay ganoon na lamang   ang  aking pagkamangha at pagkagulat sa aking  nakita. Magaling naman palang mag-make-up si  Itay.


Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin ang aking ama. Bakla pala siya.  Labis akong nagalak sagaling at husay ng  aking ama. Naisip ko na  matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong gumanda ngayon.  Niyakap ko si Itay at pareho kaming napaluha sa labis na kagalakan. Masaya na  kami ngayon at nabubuhay nang matiwasay.


Lovingly  yours,
ALYASPOGI


sensya na... joke lang ha.... hi to all muzikero-muzikera... mahal ko na kasi itong grupong ito eh...


 



__________________
Contentment is not getting what you want but being satisfied with what you have ...
Page 1 of 1  sorted by
 
Quick Reply

Please log in to post quick replies.

Tweet this page Post to Digg Post to Del.icio.us


Create your own FREE Forum
Report Abuse
Powered by ActiveBoard