Members Login
Username 
 
Password 
    Remember Me  
Post Info TOPIC: who is the stronger sex?


Veteran Member

Status: Offline
Posts: 76
Date: Jun 5, 2006
who is the stronger sex?


 


Do you agree that overall women are the stronger sex than the men? Of course,in terms of physical being there's no doubt that men are stronger. But what about in other aspects?


Girls... get the power!!! show the boys what we really can do! Boys... show the girls you really deserve to be wearing those pants...



__________________
your joy is your sorrow unmasked... when you are joyous, look deep into your heart and you shall find it is only that which has given you sorrow that is giving you joy.


Member

Status: Offline
Posts: 15
Date: Jun 20, 2006

God will not let women overtake men..laging subordinate ng lalake ang babae..


Simply because our god who happens to be a male gender..mas binigyan ng karapatan ang lalake na mamuno dahil alam ng diyos na mas may kakayahan ang lalake n gamitin ang freewill niya sa ibat ibang aspeto ng buhay dito sa mundo..ang hina nman ng diyos pag hinayaan niyang maging mas mataas ang babae kesa sa lalake..(ikaw na mging diyos)…pati nga sa langit mas mataas ang lalake eh..(san k nakakita ng anghel na babae)….lol!!!!peace be with you..!!



__________________


Member

Status: Offline
Posts: 16
Date: Jun 20, 2006

 


hahahahaha.....i find these topic funny.....GENDER DISCRIMINATION.....!!!!!!! kung babae ang sasagot, obviously, she'll say women are stronger than men; kung lalaki naman, the other way around.....pati Diyos sinali pa.....hehehehehe.....


what's the point of comparison? what's the logic behind in determining who's the strongest sex? ALL OF THESE FOR WHAT??!! ego boosting??!! para ipakita sa opposite sex na mas malakas at magaling ang kabila??!! for what??!! will it makes a difference?


hahaaayyyyy......WHY CANT WE JUST ACCEPT THE FACT THAT BOTH SEXES ARE EQUALS...kung may mahinang babae, meron ding mahinang lalaki...kung may bakla, may tebo din...intellectually, meron din matalino at bobo na babae at lalaki.....career wise, merong successful at failure in both sexes...emotionally, in both sexes, may nagpakamatay na...in a relationship, in both sexes, merong manloloko at naloko...THIS WORLD IS MADE BASICALLY FOR BOTH MALE AND FEMALE...ang lahat nagdepende nalang ON EITHER SEXES kung maging malakas o mahina siya.....YOU HAVE THE FREEDOM AND THE FREE WILL TO BE WHAT YOU WANT YOURSELF TO BE.....


hehehehe....for me, i dont think God made men to be superior to women;and women to be superior to men...kasi kung nangyari yan, then HINDI siya fair na Diyos...He gave us FREE WILL TO CHOOSE....He gave us brains in order to use to our advantage....so ITS ALL UP TO US TO USE THOSE GIFTS WISELY....


haaahaaayyyyyyyy....... ang tao nga naman.....hehehehehehehe



__________________


Member

Status: Offline
Posts: 15
Date: Jun 21, 2006

exactly noel!!!! thats it you have to accept the fact..and the fact is to compare bcoz the question is who!!wala nman ngbabawal magcompare eh..its just happen na tanggapin ang realidad na me superior..at kasama ang diyos ..dahil dun lagi nagsisimula ang basis...at hnde ibig sabihin pag nagcompare ka me mas mataas na o mas malaks..may mas matalino o bobo..me successfull at hnde..hnde ego boosting ang pagpapakita at paglalahd ng stand..at walang pagtatalo na lahat ay equal..at tama fair nga ang dyios eh..kasi dahil sa freewill at ang freewill na yun ang nagdidikta kung gusto mo maging mataas o hnde..at hnde rin ibig sabihin na dahil mas binigyan ng karapatan ang lalake sa babae eh me discrimination na..hinde discrimination ang tanggapin at maniwala na mas me kakayahan ang isa kesa sa isa..just what you said there is always a freedom to choose..kung hahayan mo at pipiliin mo na maging mas mataas ka babae k man o lalake then let it be..pero lahat ng bagay me basehan..hnde pedeng opinyon lng lagi..pedeng ang opinyon taliwas sa katotohanan..hnde b mas magandang tingan kung ano un totoo..at ang totoo ung me basehan..kung me basis ang babae na mas malaks sya sa lalake ..good for them..ang alam ko lang ako me batayan..at ung batayan n un ang nagtutulak sakin para sabihin na mas malaks ang lalake sa babae!!.............pakiss nga baklush..!!muazz..sarap..lolz!!! 


 



__________________


Member

Status: Offline
Posts: 13
Date: Jun 21, 2006

awat na pooooooooo....tito noel and red...wag na po kayo mag debate....fufufufufu..


you guyz are just need to face the fact na..ang buhay  talaga ay puno ng drama parang gulong umiikot.,


minsan ang babae ay nasa ibabaw at ang lalaki naman ay nasa ilalim.pro mas madalas nasa ibabaw ang lalaki...pagulong gulong..>>>wag kau mag isip ng masamasumasagot lang ako ng maayos sa tanong


hahah kiddin...anyway..natutuwa lang ako sa mga sagot nyu..cge mag post lang kau ng mag post matsaga akong mag basa eh/...lolzFISH



__________________


Veteran Member

Status: Offline
Posts: 76
Date: Jun 21, 2006

lols... ginawa ko tong topic na to just to find out kung ano ano isasagot ng mga tao dito... pero i won't really mind kung ano man isagot ng bawa't isa dito... i also have my own belief that men and women are created equal... natuwa lang akong i-post ito para malaman kung ano magiging reaction ng iba... to extract something from other people's brain and belief...


but i'm gonna give my own point of view or belief sa topic na ito... hehehe naaliw ako eh...


GOD is not a male. God is a TRIUNITY, in which the one and the many are equally ultimate. God's image is found in each individual human being, both male and female. nung bago pa gawin si eve, sabi sa Genesis 1:26-27 "Man is made male and female" . In other words, the man is the representative member of the human family. Humanity as a whole is compose of male-female community. yung word na "MAN" represents the 2 genders.


God made woman under the authority of man because of the order of creation, but that doesn't mean this will make men superior to women... i believe both male and female are equal... sa Genesis 2:18, si Adam after naming all the animals, realized he was incomplete so God caused him to fall into a deep sleep and fashioned FROM HIS SIDE A HELPER COMPARABLE TO HIM. you see, Eve was not taken from Adam's head that she should rule over him, not from his feet to be trampled underfoot, but she was taken from his side that she might be his equal; from under his arm that she might be protected by him; near his heart that he might cherish and love her". this narrative of genesis clearly points out that the woman is needed to complete the man. In marriage, Adam is reunited with his missing rib, so to speak, and made whole in a much greater way than he was before. so that means, one cannot live without each other.


pare-pareho lang tayong may obligasyon sa bawa't isa. ang lalaki may obligasyon na dapat gawin para sa pamilya, sa asawa, sa mga anak... ganun din ang babae... hindi porke ang lalaking image ang laging ginagamit sa bibliya eh lalaki na ang superior... pareho lang may pananagutan pagdating sa huli... if men are claiming they are superior to women, then mas magiging malaki siguro ang pananagutan nyo at mas malaki yung obligasyon na dapat nyong gawin para masabi nga na kayo ang superior. but then hindi eh, both were given their own respective role dito sa mundo which was reflected in the bible as the punishment for Adam and Eve.


kung ang pinagbabasihan mo ang bible, si Adam ang inatasan ng Diyos na mangalaga sa lahat ng nilalang, at maging sa babae... pero hindi nya nagawa ang obligasyon nya dahil hindi nya napangalagaan si Eve against the snake at hindi rin nya nabantayan at naturuan ng maigi si Eve. bukod dun, nung sinisita na sya ng Diyos, itinuro pa nya ang lahat sisi kay Eve... had he been a good leader, had he been a good protector and guard, would Eve be able to fall for the serpent's bait? i guess not.


kaya nagalit ang Diyos sa dalawa ay dahil hindi nasunod ang utos nya na pangalagaan ng lalaki ang asawa nya at ang mga nilalang na nasa ilalim pa nito. at kaya nagalit ang Diyos kay Eba ay dahil hindi nya nasunod ang utos ng Diyos na ang tao ang nakakataas sa lahat ng nilalang sa lupa dahil sinunod nya ang sinabi ng ahas. kung iniisip ng Diyos na mas lamang ang lalaki sa babae, siguro mas malaking kaparusahan ang inabot ng lalaki dahil mas grabe naman nagawa nyang kasalanan eh... lols... duty negligence... si eve, katangahan lang... lols


God's wise and holy purpose in creating and reuniting man and woman is...


1- to reveal the gospel
as we have seen, marriage is to be a living, public embodiment of the gospel. The temporary institution of human marriage is to reflect the eternal marriage of God to His people. As a husband continually dies for his wife, giving himself to her, and as a wife finds her fulfillment in respecting and obeying her husband, the gospel is proclaimed. so bawa't isa may obligasyon. hindi isa lang.


2- imaging God
man and woman image God individually. Marriage in particular reveals the triunity of God.


3- dominion
man and woman were created to be co-rulers, as king and queen, over all of the creation.


4- multiplication.
God ordained marriage to raise up "godly offspring" to fill the earth with his image bearers (Mal 2:15). husband and wife partner together in passing on the blessing of the covenant to a new generation.


5- companionship
adam existed alone briefly on the sixth day of creation. as he named the animals, he discovered no subhuman nature was a suitable mate for him. so God declared, "It is not good that man should be alone; I will make him a helper comparable to him (Gen 2:18). In marriage, our deepest cravings for friendship including sexual intimacy are fulfilled. husbands and wives find completion in one another. this can be found in the many books of the bible namely genesis, proverbs, song of solomon, and corinthians...


lastly, merong mga babaeng anghel. i have been studying angels eversince, and as a matter of fact, i have found that Gabriel is a female angel. pero syempre para maging standard ang Bible, ginawang lalaki... pag ginawang babae, masisira ang standardization... bwahaha.. there are 13 female angels namely:


1- amedeah known as the "crying angel"
2- anahita known as the angel of fertility
3- ananchel known as the angel of grace who assisted angel gabriel when Mary was visited.
4- charmeine known as the angel of harmony
5- derdekea known as supreme mother
6- eloa who have been born from a tear that Jesus shed
7- gabriel known as an archangel and one of the 2 highest ranking angels. the name means strength of God. she is the unique archangel in the sense that she is the only female angel in the higher echelons, although some belive there are no female angels. Gabriel fosters joy, truth, justice and love.
8- gazardiel known as the angel of new beginnings
9- muriel known as the angel of emotions
10- rachel known as the angel of humor and self confidence. responsible for the tempereance which permits us not to be crushed by negative events that occurs in our lives
11- ariel known as the lioness of God. air and water spirit
12- sarafinah known as an angel who protect God's throne
13- shekinah known as the angel of unity and unconditional love


hindi ko naman kinocontest ang laman ng bibliya... iba iba relihiyon eh, iba iba din ginagamit na bibliya... pero kung babasahin mo isa isa... pare-pareho lang ang laman... iba iba lang ang ginamit na pangalan... iba iba ang gumanap... iba iba din ang takbo ng istorya... pero isa lang ang pinaparating... MAY ISANG DIYOS at lahat ay kailangang gumawa ng mabuti...


so i guess that's it... sabi nga ni red dapat lahat may batayan... so yan ang batayan ko bakit ko nasabing ang babae at lalaki ay equal... ang Diyos ay hindi lalaki... at merong mga babaeng anghel... :)



__________________
your joy is your sorrow unmasked... when you are joyous, look deep into your heart and you shall find it is only that which has given you sorrow that is giving you joy.


Member

Status: Offline
Posts: 15
Date: Jun 21, 2006

teka..sasagot po ulit ako..just a point of clarification..ang salitang triunity ay nanggaling sa dalawang salita..three and unity..ginamit ang salitang ito ng mga theologians dahil ang base ung tatlong persona..but walang mababanggit sa biblya  na ginamit ito..kasi magkakaiba sila..wala ka ring mababsa na ang diyos eh representative ng male and female..tama un nasa genesis na sinabi ni pepsi.."god made man through his own images and likness"kung mapapansin si moses ang nagkukuwento sa librong ito..ang ginamit nya na pronoun his and him..kasi he knows his god..kaya nga father ang tawag diba..at ng mag katawang tao ung anak ..mas pinili nyang maging lalake..kasi nakaatang sa kanya ang mas mabigat na responsibilidad bilang panganay n anak ng diyos...when god created man hnde nman nya sinabing ..hoy lalake ikaw ang mas mataas sa babae..nagkataon lng na mas magiging balanse ang lahat kung ang lalake  ang mangunguna sa ibat ibang aspeto.hnde ibig sabihin nito na lahat ng lalake eh mas mataas n sa babae..kung meron kakayahn ang babae bakit hnde..as long as magiging ok ang lahat...


ayaw kong icontest ung mga binanggit ni pepsi n mga pangalan ng anghel..maaring sa ibang libro naka lista un..ill just stick to what it is written in the bible.. hnde na kailangan istandard ang bibliya kasi nung matagpuan ang dead sea scroll standrd n ito..maaring ung ibang salin ng bibliya ay nalikot na o ung tinatawag na"paraphrasing" ng mga schoolar mas maiging basahin ung malapit na bersyon nito....ang alam ko lng sa anghel ..ang pnaka mataas n aspeto ng pagkanghel eh querubim..at unang nilikha si satanas pinaka mganda at pinaka mataas n anghel sa lahat..si san gabriel pala babae..bakit gabriel  hnde b pede gawin  gabriela  just to distuguish..ang pangalang gabriel ay nanggaling sa salitang  latin.. alam ko mahigpit ang literatura sa panahong isinasalin ang bibliya mula sa salitang greek ,hebrew at aramaic..na isasalin sa salitang latin..


hnde po kwestyon dito kung nagawa b ng lalake ung inaatas sa kanya..the fact is lalake ang inatasan kasi mas naniniwala ang diyos na magagwa ng lalake ung obligasyon niya..kung sasabihin na hnde nagawa ng lalake ang obligasyon niya lumalabas mali ang diyos sa pagbibigay sa lalake ng responsibilidad...hnde b mas tamang sabihing tama ang ginawa ng diyos  at paniniwala niyang  sa lalake iatang ang mas mabigat n obligasyon kasi alam nya magagwa ng lalake..pero si adam ang nagkamali.. nagkamali sya kung ano ang pipiliin niya..


maaaring kayang gawin ng babae ang mga nagawa at ginagawa ng mga lalake..but it doesnt necesarrily follow that women is stronger than men..may kakayahan ang bawat isa...tama un walang pagtatalo dun..pero mas naniniwala pa rin ako na mas malakas ang lalake sa babae dahil n rin sa kinikilala kong batayan..!!!!!amen..lolz


 



__________________


Member

Status: Offline
Posts: 16
Date: Jun 21, 2006

 


HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.......


find it funny though......Godbless you...!!!!



__________________


Member

Status: Offline
Posts: 15
Date: Jun 21, 2006

ahahahaha....god bless us all!!lahat ng aetheists labas..lolz!!!


teka matanong nga tong si baklush...hahahahaha!!!


out of curiousity...muzikero_afterdeath...afterdeath..is there something afterdeath?..do you believe in life afterdeath the so called "reincarnation"is there a basis that there is life afterdeath?....meron b talagang after pagkatapos ng death?is there a purpose behind it?..tingnan ko nga ang katuwiran ng isang philo major!!!...ahahahahaha...paamoy nga baklush..lolz!!



__________________


Veteran Member

Status: Offline
Posts: 76
Date: Jun 22, 2006

 


hehehe... naguguluhan ako sa iyo red... ano ka ba talaga? makasensya o maka-Diyos? o basta pabor sa'yo? LOL.... sorry ha? medyo isang side lang kasi nakikita ko sa'yo eh... but anyway, i'll leave you with your beliefs...


God Bless You All too!




__________________
your joy is your sorrow unmasked... when you are joyous, look deep into your heart and you shall find it is only that which has given you sorrow that is giving you joy.


Member

Status: Offline
Posts: 15
Date: Jun 22, 2006

ahahahaha!!...pareho pepsi..dahil parehong totoo..hinde nman magkasalungat eh ...tulad ng sinabi ko hinde pedeng kontrahin ng isang totoo ang isa pang totoo..nagiging one side ang tingin sa isang sagot kung tumatanong ka...iba ang nagtatanong sa tumatanong!!!..ang nagtatanonghnde nya pa alam ung sagot dun sa tanong nya..ang tumatanong me sagot sya sa sarili nyang tanong..hnde ibig sabihin kaya ka nangangatuwiran para maging pabor sau..hnde b kaya k nangangatuwiran para malaman kung ano ang totoo!!!...alien..alien!!!!lolz



__________________


Veteran Member

Status: Offline
Posts: 76
Date: Jun 22, 2006

 


kaya hindi pwedeng salungatin ng isang katotohanan ang isa pang katotohanan ay dahil sa hindi sila tugma o ito ay magkasalungat...


kahit kelan hindi pa nagkasundo ang sensya at simbahan hinggil sa ilang mga katotohanan at mga pinaniniwalaan... dahil ang isa ay naghahanap ng patunay at ang isa ay kinakailangan lamang ng paniniwala at pananampalataya na hindi hinahanapan ng patunay... magkasalungat... parehong totoo ngunit magkasalungat...


hindi mo pwedeng salungatin ang isa dahil magiging questionable ang isa... pag sinabi mong lahat dapat may batayan at kailangan gamitan ng utak... sana di mo sinabi dun sa isang forum na pinagbabatayan mo ang bibliya at ang Diyos dahil ang bibliya at ang existence ng Diyos hanggang ngayon di maipaliwanag ng sensya o ng history... bakit? dahil iyong belief ng tao sa Diyos at sa mga salita nya nanggaling sa puso, hindi sa utak... di naman nakikita ang Diyos pero naniniwala ang mga tao dahil sa dikta ng kanilang puso na maniwala. dahil minsan kahit pa tanungin mo ang sarili mo kung totoo bang may Diyos, yung puso mo sumasagot ng meron... sa puso nananahan ang espiritu ng Diyos hindi sa utak... 


ang sensya ay sa Diyos din mismo nanggaling... binigay sa tao ang kaalaman upang mabuhay at matuto at umunlad... binigay sa tao ang pagibig at pangunawa para ang mga kaalaman na natutunan nya ay hindi masayang... magkaron ng tamang judgment sa lahat ng bagay... kaya nga kailangan maging balanse ang tao... kailangan parehong utak at puso ang gamitin... hindi puro utak lang o puro puso lang... kaya nga hindi lahat ng bagay ay kailangan gamitan ng paliwanag. hindi rin lahat ng bagay ay kailangang paniniwala o emosyon lang gamitin...


dito sa mundo, hindi importante kung sino ba ang mas magaling o hindi... ang importante kung may nagawa ka bang magaling o wala... dahil kahit gano kaliit ang nagawa mo basta mabuti ok na yun... hindi importante kung ano ba ang paniniwala mo at paniniwala ko ang importante natatanggap at nauunawaan ng isa ang bawa't isa...


tama ka, may sarili akong kasagutan sa mga katanungan ko. at hindi ko ipinipilit na ito ay tama... hindi rin ako tumatanong (kung ang ibig mong sabihin ay questioning), nilagay ko lang yang tanong na yan dito para may mapagusapan... di rin importante kung ano maging sagot ng iba... o kung sagutin man o hindi... pinili mong sumagot... tama ka it's your choice... kung maglagay ako ng point of view ko, it's my choice too... and im just trying to share what i have in mind without questioning the belief of other people...


nung kinuha ko ang mga tanong na ito sa ibang forums, tawa ako ng tawa sa mga sagot ng iba... nakakatuwa... pero di ko naisip na aabot sa ganito ito dito... na pati Diyos madadamay sa wlang kakwenta kwentang tanong...


ang ibig kong sabihin ng pointless is... it's pointless na ipaliwanag kung ano ang nasa loob ko or kung ano ang paniwala ko dahil hindi mo naman tinatanggap... it's just a matter of respect... i respect na yan ang paniwala mo, i just stated and corrected some things na natutunan ko at nalaman ko... kasi gusto mo ng basis sa bawat sagot sa mga tanong...


yun lang...


-end-



__________________
your joy is your sorrow unmasked... when you are joyous, look deep into your heart and you shall find it is only that which has given you sorrow that is giving you joy.


Veteran Member

Status: Offline
Posts: 28
Date: Jun 22, 2006


lolz...bsta ako kung tatanungin sa aspetong physical..mas malakas ang babae...kaung mga lalaki madaling mamatay....bow!



__________________
"i am not perfect but parts of me are pretty awesome"


Veteran Member

Status: Offline
Posts: 76
Date: Jun 22, 2006

 


lolz... sira iah.... mas malakas ang lalaki ... imagine isang daliri lang gagamitin, napapaangat nya ang babae... isipin mo kung paano.... wahahahaha....



__________________
your joy is your sorrow unmasked... when you are joyous, look deep into your heart and you shall find it is only that which has given you sorrow that is giving you joy.


Member

Status: Offline
Posts: 15
Date: Jun 22, 2006

Kelan sinalungat ng katotohanan ang isang katotohanan..ibig sabihin b nun magkasalungat ang syensya at ang diyos..kahit saang libro mo hagilapin hinde mo mapapatunayan n magkasalungat ang syensya at ang diyos ..maaring nakakabasa ka ng mga teorya ng syensya na sumasalungat sa existence ng diyos pero hanggat hnde napaptunayan na un eh totoo hnde masasabing real science ito..kaya nga hanggang ngaun ang dami pa ring teorya eh..at mananatili itong teorya..and real sciene cannot accept until it became facts..nang gawin ng diyos ang pro creation kasama dun ang syensya..hnde bat itinuturo ng syensya ang limitasyon sa buong sangkatauhan pag napatunayan mo na magkasalungat ang syensya at ang diyos mag bibitiw ako sa grupong ito..


 


Hinde ko alam ang simbahang tinutukoy mo..napakaraming simbahan.marahil


 


 siguro ang katolisismo ang tinutukoy mo..maaring ang mga aral nila sumasalungngat sa syensya..hnde ko saklaw ang batayan nila ukol dito..ang paniniwala nangagaling  sa lakas ng puso at pagpapagal ng isip para suriin at malaman  ang totoo at para tumibay at maging tama ang pananampalataya tulad rin ng syensya kailangan ng katibayan at pagsasaliksikik para masabing ito ay totoo…ang dalawang bagay na magkasalungat ..maaring isa sa kanila hnde totoo o pareho silang hnde totoo..pero hnde pedeng pareho silang totoo…


 


Hnde ko kinukwestyon ang paniniwala mo..at naiintidihan ko ang respetong sinasabi mo..wala naming pagtatalo dun na magkakaiba tayo ng paniniwala..wala nmang pilitan para maniwala …at hnde ko intension ang  ipilit ang paniniwala ko…nakakalungkot lng isipin dahil ang alam ko sa malayang paglalahd ng stand ng bawat isa kung saan merong nagtatanong(kaya nga tinawag na forum)dapat ang nagtatanong nakahanda sa mga sagot at mga komento,mga sinusulat at nilalagay sa forum na ito..


 


At panghuli..kailanman hnde ko ginamit ang diyos sa walang kwentang bagay..naniniwala ako na bawat tanong na sinasagot ko me kwenta..ginamit ko ang pangalan nya para tindigan ang stand ko hnde para ipilit ang paniniwala ko o para kwestyunin ang paniniwala ng iba..mas nakakalungkot isipin at sabihin na gagamitin mo ang diyos ng hnde mo alam kung tama ba ang sinasabi  at ginagawa mo…..



__________________


Member

Status: Offline
Posts: 16
Date: Jun 22, 2006

 


relaks lang Redlush, hahahahahahahahahaha.......we are just sharing here hindi nagdebatihan.....at saka its not worth it para pagdebatehan ito.....cool ka lang tita kasi yong regla mo baka lalala....hehehehe....hirap pa naman maghanap ng pang - abonong dugo....


thats your beliefs, opinions and views so be it....i respect that....same kay tita Pepsi sa mga beliefs,opinions and views nya....I HIGHLY RESPECT BOTH OF YOU.....


i just find it funny though...ANO BA TALAGA ANG BASIS IN DETERMINING WHO'S THE STRONGER SEX? ok...sabi hindi physical, hindi emotional, hindi intelligence, hindi career and so on....then ano? Diyos? Bible quotations? 


i also find it funny though coz may mga "quotings from the bible..." hehehehehehe.....may mga statements na gamit o reference ang Diyos...


i dont question paggamit nyo ng Diyos at bible quotations....opinions nyo yan....views nyo yan... and most of all, beliefs nyo yan...wala akong problema dyan...like i said earlier, I RESPECT THEM...


but eversince, ive always QUESTION THE VALIDITY OF THE BIBLE....hehehehe....IS IT THAT RELIABLE? which bible? ang dami kasing bibliya ngayon eh...lahat ng religions may kanya kanyang versions....and worst, kanya kanyang kopyahan...hehehehehe....ang bible nga ng roman catholic majority kinopya lang sa koran...hehehehehehe


now, WHY DO I QUESTION THE VALIDITY OF THE BIBLE? TAO ang gumawa ng bibliya...ang TAO is IMPERFECT...so ang bibliya imperfect din....for sure sasabihin nyo, yung mga sumusulat sa bible "HAVE BEEN BLESSED WITH THE HOLY SPIRIT." hehehehehe.... eh san nyo nalaman na ang mga sumusulat sa bibliya have been blessed with the Holy Spirit? di ba galing din sa bible yan? totoo kaya they have been blessed? show me something that will prove the validity of the bible na hindi galing sa bible mismo...hehehehehehe


but thats my beliefs....hope you will also respect that.....hehehehehehe



__________________


Member

Status: Offline
Posts: 16
Date: Jun 22, 2006

.......out of curiousity...muzikero_afterdeath...afterdeath..is there something afterdeath?..do you believe in life afterdeath the so called "reincarnation"is there a basis that there is life afterdeath?....meron b talagang after pagkatapos ng death?is there a purpose behind it?..tingnan ko nga ang katuwiran ng isang philo major!!!...ahahahahaha...paamoy nga baklush..lolz!!.....


ANALOGY  :   dalawang magkaibigan naglalakad...while they are walking, nakakita sila ng napakagandang rosas....both of them nagagandahan sa rosas....now, they are curious kung mabango ba ang rosas...so inutusan ni kaibigan 1 si kaibigan 2 para amoyin ang bulaklak at sabihin sa kanya kung mabango ba ito o hindi...so lumapit si kaibigan 2 sa rosas at inaamoy nya ito then bumalik siya kay kaibigan 1...tinanong siya ni kaibigan 1 " kaibigan 2 ano mabango ba ang rosas?."  hindi sumagot si kaibigan 2...nainis itong si kaibigan 1...tinanong nya ulit si kaibigan 2 pagalit pa " MABANGO BA ANG ROSAS???!!!!!"


so nagsalita itong si kaibigan 2....."KAIBIGAN 1 IBA'T IBA TAYO NG PANGAMOY.IBA'T IBA TAYO NG CONCEPT NG BANGO....KUNG SASABIHIN KO SAYO NA MABANGO ITO TAPOS PAG NAAMOY MO NA ANG ROSAS DI PALA MABANGO PARA SAYO EH MAGTATALO LANG TAYO....MAGDEDEBATIHAN...AND WORST, MAG-AAWAY...."  dugtong ni kaibigan 2...." MAS MABUTI PA KAIBIGAN 1 IKAW MISMO LUMAPIT SA ROSAS AT AMOYIN ITO AT NG SA GANUN MASASABI MO MISMO SA SARILI MO KUNG MABANGO NGA BA O HINDI ANG ROSAS."


hehehehehehehehehehe.......


now Redlush, kumo ba Philo major ako, DO I NEED TO PROVE SOMETHING/ANYTHING TO YOU? FOR WHAT? ANO MAPAPALA KO? PAKITANG GILAS? PAPASIKAT?OR WORST, PAGYAYABANG? sori Redlush but that's "NOT MY CUP OF TEA."


we have to understand, we came from different backgrounds, we have different orientations, different ways in learning, different methods in education...so kung sasagutin kita sa mga tanong mo Redlush the way i know it, for sure, may nakahanda ka ng sagot panglaban sa mga sagot ko...defensive? yes my friend...im being defensive in order to avoid any debates and confrontations....


but i would suggest Redlush, IKAW MISMO SUMAGOT SA MGA TANONG MO PARA MA SATISFIED ANG CURIOSITY MO...mag RESEARCH KA ATLEAST DAGDAG KAALAMAN.....


ika nga, " ANG ILOG NA MAINGAY, MABABAW....PERO ANG ILOG  NA TAHIMIK, MALALIM YAN...."


hehehehehehehehehehehehe....


 


pakiss nga Redlush....mwuahhhhhhhhhhhhhhhhh


 


 


 



__________________


Member

Status: Offline
Posts: 15
Date: Jun 23, 2006

Ok lng ako baklush..ahahahahaha!!..just  practising my way of reasoning..and good conversation will always be like this..at tama lahat ng opinion,paliwanag paniniwala,idea na isunulat sa forum n ito eh nirerespeto at dapat irespeto walang  tayong problema dun ..walang nagsasabing mali yung isa tama ung isa..kung ang argumentong ito ang magiging paraan para malaman kung ano ang sagot sa isyu bakit ang hinde..sa pamamagitan ng magkakaibang opinion,paniniwala at paliwanag magkakaroon ng point of comparison at mahihimay ang eksakto at makakbuo ng konretong sagot sa isyu ..tama hnde tayo nagpapalikasahan at nagkukumpetensyahan at hnde rin ito pasikatan at wala ring dapat patunayan ang isa’t isa sa atin..dahil ang lahat ng ito ay paghahanap ng sagot dun sa tanong..


 


Tama naisasama ang diyos  sapaglalahad ng iba’t ibang opinion dahil walang limitasyon ang pagbibigay ng katuwiran sa isang isyung tulad nito..determining the the validity of the bible can be seen on your own naked eye..nang matuklasan ng syensya na lahat ng mineral na makukuha sa lupa ay matatagpuan din sa tao scientifically pinapatunayan nito kung ano ang naksulat sa bibliya,na ng likhain ng  ang tao mula sa alabok kung saan sa pinakaibabaw ng lupa kumuha ang diyos..


At bago pa man manavigate ng tao ang mundo at patunayan na ito ay bilog ..naiulat sa bibliya na ang isang anghel na nagpapanhik panaog mula sa langit at nagpapaikot sa buong mundo.. ..maraming mga bagay ang nakasulat na para patunayan ang validity ng bibliya..tama maraming kumukwestyon..bakit kinukwestyon,dahil b hnde maintindihan dahil mahirap intindihin,o dahil me sariling paliwanag ung nagbabasa..but i stand and dare nilalahat ko na ang lahat ng libro.wala kang mababasa o magsasabi  kung sino ang nagbibigay ng buhay at kanino nanggaling ang buhay..at tanging bibliya lng ang nakaksagot sa mga tanong na ito..


 


Tao ang gumawa ng bibliya..dahil tao ang gagamit nito tao ..tao ang tutuklas..tao ang magpapatunay..tao ang maniniwala at tao rin ang pipili kung maniniwala o hnde..nang isulat ang bibliya o ang biblion..mula sa orihnal na manuscript nito o ung tinatawag na deadseascroll hnde intensyon ng mga sumulat nito na iligaw ang babasa,totoo maraming bibliya,,at hnde ka nakaksiguro kung alin ang tama kayat makakbuting magkaroon ka ng kopya ng mga mas malalpit na bersyon nito..ung mga unang salin na hnde ginamitan ng paraphrasing para magkaroon k ng pagkukumpara at masuri kung ano ang totoo..


 


And I do not believe that man is imperfect..kaya ba imperfect dahil b nagkakamali,nakakgawa ng kasalanan ibig bang sabihin nito wala ng taong pedeng maging perpekto..pero nirerespeto ko ang paniniwala mo at ng iba pa..i just do believe that god created man perfect and upright..pero hnde ko na iaargumento ito dahil mawawala sa isyu..ung mga nagsulat ng biblya nahinahanapan ng patunay kung blessd b ng holy spirit..mahirap magsulat ng pangyayari na nagaganap sa hinaharap..nakasulat sa bibliya na ang tao magpaparoot parito at hahanapin ang katuwiran at lalago ang kaalaman ,hnde bat sa panahong ito masyado ng busy ang mga tao na ginugugol sa ibat ibang bagay at sa panahong ito napakataas n rin ng kaalaman na nararating ng tao ..dun sa kapatid nating muslim kung saan magkaiba tayo ng batayan ..nirerespeto ko ang stand ng Koran at mga prinsipyo nito..


 


sa analogy ni baklush..well said..hnde ko nman sinasabing me dapat kang patunayan sa akin man o sa mga bumabsa sa forum na ito..hnde rin ibig sabihin pag sumagot ka sa tanong ..nagpapakitang gilas ka na o gusto mo n magpasikat..at sabi mo ano ang mapapala mo…meron..hinde ba’t ikaw na rin ang nagsabing nagshshare lng tayo ng mga opinion at paniniwala sa ganoong paraan nakapagbigay k ng kaalaman hnde lng sa akin kundi sa iba pa..magkakaiba man tayo ng pinag aralan,pianggalingan,karanasan,stado idea pero iisa pa rin ang dahilan ng lahat ng ito ang tukalasin kung ano ba ang totoong sagot sa isyung sino ang mas malakas na sexulidad babae ba o lalake…at naniniwala ako  at umaasa na magkakaroon ng konkretong sagot dun sa tanong…..sa mga pagkakataong nagkaroon ng mainit na palitan ng opinion alam kong naiintindihan ng mga sumulat ditto na kasama at nangyayari un sa mga paguusap na ganito…at sa huli..minsan kailangan sumigaw para maulinigan at maintindihan ka..at hnde lahat ng tahimik malalim na…”ang dagat na kung titingnan malalim at para bang walang katapusan ..mamasdan sahuling hantungan..duon sa mababaw na dalampasigan”…!!!


 


 


 


Muaz…peace!!!



__________________


Member

Status: Offline
Posts: 16
Date: Jun 28, 2006

 


.......hehehehehe....pa- share ulit po ng opinions at views dito ha....hehehehehehehe....


Well, I would like to take this opportunity to thank Redlush and of course Pepsi for the topic which certainly makes our brains work professionally and effectively. 
 
REdlush… I really appreciate the ideas which you undoubtedly shared on this topic...galing mo talaga...saludo ako sayo...same to you tita pepsi...wowwwww.... ang galing galing nyo talaga...mwuahhhhhh...
 
but let ‘s be reminded of the real subject matter which we should have been discussing in a manner that we could gain from each other’s way of thinking. Kase, it seems na lumalayo na tayo sa topic of discussion.  Absolutely, we have different views on the matter but let me point out something.
 
 
Discussing which gender is weaker or stronger is a pointless exercise. Strength or weakness is a relative concept. It depends on the context or specific environment that one is talking about in particular. Where one would define the conditions in the environment that would be biased in favor of a particular gender’s intrinsic make-up and characteristics, then, it would appear that for that particular environmental condition, one gender would appear to be stronger (or more precisely, more appropriate) than the other statistically (i.e., under average circumstances).
 

However, one should avoid the tendency to consider environments and circumstances to categorize what a particular gender can or cannot do. This is not only exclusionary. This approach does not recognize that what a particular gender can or cannot do under “average circumstances” also change over time.  If the concept of strength or weakness is relative, one must be reminded that the notion of (and “affective variables” that define) what an “average circumstance” is, also change due to changing social, technological, ideological, and other change variables. It is wrong to assume that one gender has a monopoly over particular functions in a community or society.
 

In sum, the answer to the question of which gender is stronger is qualified by the phrase “under what specific environment and prevailing conditions.”
 

Perhaps, rather than asking which gender is stronger, the more important question that one should consider is how the different characteristics of each gender can be used to achieve a particular purpose (i.e., gender complementation). At the core of the ancient Inca’s knowledge about the agricultural production cycle was the knowledge of the woman’s reproductive cycle. Women cultivated the farms, but the task of building the support infrastructures (that would required muscle and brawn) were assumed by men. The hunters/gatherers during pre Spanish Philippines might have been dominantly male, but the babaylan (or priest) was female, a testament to the recognition of some pre Spanish community of women’s “natural inclination and characteristics” to serve as a bridge to nature.
 
Ancient Egypt has both Isis and Osiris. Japan has Izanagi and Izanami. The Philippines has Malakas and Maganda. The bible has Adam and Eve. Always two, yet achieving something in unison. Why should we be preoccupied in defining which gender is stronger rather than examining how far our societies’ values and perspectives have moved to break the confines of stereotyping?
 
                                    .......thats it guys.......
 
   ....so i think this will be my last sharing in this topic....i lay this to rest....
again, thank you redlush and tita pepsi....more power po sa inyo.....have a good life to both of you.....
 
pakulot nga ng balahibo dyan redlush....hehehehehehehe...mwuahhh




__________________
jon


Member

Status: Offline
Posts: 7
Date: Aug 21, 2006

ang sarap sumagot d2.....both sides points are well noted.....but one thing was not clear about the argument....or maybe as it is said...( who is the stronger sex?)...stronger in what sense?.....if only this argument will give a specific point of being strong...i guess one will possibly determine whos stronger....but...we take this question so widely so results was endless...arguments will lead to another arguments.....as it is said that it was healthy to have such...but...by this kind of pointless arguments...(i'm not saying wala kayo points...but it leads to a pointlessness due to that tricky question)....napansin nyo napunta na sa creation ang argument....hahahaha....but still...i want to stress out ano ba talaga yung strong na yun...kung buhatan din lng ng barbell...eh malakas talaga ang lalaki...pero kung irihan sa panganganak malakas ang babae...got my point?.....i will assure you guys...di nyo matatapos ang argumentong ito kung di malinaw kung ano ang tunay na argumento....hanggang magsawa na lang kayo at iwasan na ang ganitong usapan....kaya maraming nagtatalo-talo...kasi...masyadong malawak ang sinasagot pero yung basic di pa nasasagot...but as for me....kung paguusapan eh pagiging superior ng lalaki or being stronger (if this is the point)...kasi dun napunta eh..hehehehe....para sa akin lalaki talaga...from ancient times pa....nag site na rin lng kayo bout sa bible....women were only allowed to lead....if a man refuses to lead....take the case of Queen Ester....nobody (man) was ableto lead or found worthy in GOD sight that time...so GOD chosed her to lead HIS people out of slavery....in the case of samson and delilah.....it seems that dellilah was much stronger than samson on the course of the story...just because samson allowed himself to give up his secret to delilah....and found himself....bound in weakness.....but still....if a man (as of samson) wills to regain his strenght...he will....i guess u know the story.....as of present day....maybe u will say na mas malakas nga ang babae...bcoz...one leading us was a woman (GMA)....but look whos behind her...we as man were not undermine women....as it is said sa bible..as quoated ni sis pepsi...women were made coming from closer sa heart ng man...to be loved/cherished..and replenished with children....hihihi.....sabi nga sa ICorinthians.....wives...submit urself to ur husbands....ibig sabihin...pasailalim ka ng kanyang pamamahala...pagmamahal...etc.....i salute women who take a stand when a man was not able to stand...but this doesnt mean na superior na kagad ang babae....di ba....remember....it was allowed....and under any circumstances....that a man cant stand...she will....


nyaaaaaaaaaaaaaah....nagbigay ba ako ng linaw o lalong lumabo?.....hahahahaha.....thanks sa forum na to...amf...dumugo ilong ko sa kakarampot na ingelsan...hahahaha.....GB us all



__________________
Page 1 of 1  sorted by
 
Quick Reply

Please log in to post quick replies.

Tweet this page Post to Digg Post to Del.icio.us


Create your own FREE Forum
Report Abuse
Powered by ActiveBoard